top of page

My Prayer:)

Lord, 

   

         Lord God Almighty, salamat po dahil ako ay binigyan Mo ng pagkakataon na mapunta sa larangan ng pagtuturo. Salamat po dahil naranasan ko na makilala at makasalamuha ang iba-ibang estudyante na nagbigay sa akin ng inspirasyon na ipagpatuloy  at pagbutihin ang aking napiling propesyon na kung saan ay magiging daan upang mabago at makakilala ang maraming kabataan kung sino ba ang may likha sa kanila na dapat Purihin at Pasalamatan, Panginoon, sa inyo pong gabay at pagbibigay kalakasan, kaalaman at kalakasan ng loob ay magagawa ko po ito. Salamat Panginoon dahil Ikaw po ang Diyos ko at patuloy Mo po akong minamahal at iniingatan, ang lahat po ng aking ginagawa ay aking pong inaalay sa tanging pangalan ng makapangyarihang Diyos sa langit na lumikha ng daigdig. Amen!

bottom of page